Hinduism

Relihiyon - isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian, at pananalig sa nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang diyos. Hinduism Ang Hinduism ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic. Ito ang pangunahing relihiyon sa India. Hindi ito isang organisadong institusyon na may malinaw na pamantayan; ito ay isinasabuhay. Ang sagradong aum ang nagsisimbolo ng Hinduism. Ang bawat letra ay may kahulugan. Ang A ay simula; U ay pag-unlad; at ang M ay hangganan. Sa kabuuan, ang salitang aum ay nangangahulugang "ang kapangyarihan ng paglikha, pagpapaunlad at paggunaw ng mundo ay magmumula lamang sa panginoon". Ang Hindu ay naniniwalang iisa lamang ang diyos na may lalang ng lahat ng bagay at siya ay matatagpuan sa lahat ng likas na kapaligiran tilad ng mga bato, mga puno, pati na mga hayop. Pantheism ang tawag sa ganitong uri ng pananampalataya. Moksha - sukdulang kalagayan ng isang nilalang sa pagkakau...