Hinduism
Relihiyon - isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian, at pananalig sa nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang diyos.
Hinduism
Hinduism
Ang Hinduism ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic. Ito ang pangunahing relihiyon sa India. Hindi ito isang organisadong institusyon na may malinaw na pamantayan; ito ay isinasabuhay. Ang sagradong aum ang nagsisimbolo ng Hinduism. Ang bawat letra ay may kahulugan. Ang A ay simula; U ay pag-unlad; at ang M ay hangganan. Sa kabuuan, ang salitang aum ay nangangahulugang "ang kapangyarihan ng paglikha, pagpapaunlad at paggunaw ng mundo ay magmumula lamang sa panginoon". Ang Hindu ay naniniwalang iisa lamang ang diyos na may lalang ng lahat ng bagay at siya ay matatagpuan sa lahat ng likas na kapaligiran tilad ng mga bato, mga puno, pati na mga hayop. Pantheism ang tawag sa ganitong uri ng pananampalataya.
Moksha - sukdulang kalagayan ng isang nilalang sa pagkakaunawa sa lahat ng bagay sa buhay.
Naniniwala rin ang mga hindu na ang bagay na ito ay nagaganap sa paraang Samsara, kung saan ang isang tao ay muling ipinapanganak hanggang sa makamit ang moksha.
Sa mga Hindu rin nagmula ang konseptong karma. Naniniwala sila na naaapektuhan ng karma ang kabilang buhay ng isang tao, na ang ibubunga ng Samsara ng isang tao ay epekto ng gawain niyang masama o mabuti.
Si Brahman na tagapaglikha ang kinikilala bilang diyos ng mga diyos at walang kamatayang nilalang ng mga hindu. Siya rin ang kiniilalang lmiha ng sangkatauhan at sanhi ng lahat ng bagay sa daigdig. "Vishnu" ang pangalang ikinabit kay Brahman bilang diyos na tagapangalaga ng sumusuporta at tumutulong sa mga Hindu sa panahon ng pangangailangan at papapakasakit. Si Shiva naman ang kinikilala ng mga Hindu bilang diyos na tagapagpuksa.
Vedas - banal na aklat ng mga Hindu na naglalaman ng mga panlangin, awit, at mga pilosopiya.
Rituwal ng Hinduism
Ang Ganges ay ipinapalagay ng mga Hindu bilang banal na pook ng relihiyong Hinduism. Tradisyon na sa mga Hindu ang dumayo sa Ganges kada taon upang maligo sa paniniwalang ang gawing ito ay maaaring makalinis sa kanilang katawan at kaluluwa. Sa pagkamatay ng isang Hindu, ang kanilang abo ay ikinakalata sa Ganges bunsod ng kanilang pananalig na ito ay magdadala sa kanila sa paraiso.
Mga Selebrasyon sa Hindu
Ipinagdiriwang ng mga Hindu ang Holi tuwing tagsibol. Ang pagdiriwang na ito ay ginaganap bilang paggalang kay Shiva, ang kinikilalang diyos na tagapuksa. Ayon sa mga Hindu, gawi na ni Shiva ang pagpuksa sa daigdig upang muli itong itatag. Ang Holi ay kanilang ginaganap sa pamamagitan ng maingay at makulay na pagpaparada. Ang Divali naman ang bagong taon ng mga Hindu. Ito ay ginaganap upang ipagdiwang ang kasaysayan ng buhay ng kinikilala nilang si Rama at ng kanyang asawa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento